The Minsan Variations


Ito ay base sa The El Bimbo Variations ni Adam David. Sa kanyang akda, may siyamnapu’t siyam na bersyon ng unang linya mula sa sikat na kanta ng Erasherheads na El Bimbo: Kamukha mo si Paraluman, noong tayo’y bata pa. Ngayon naman, ako’y nagsulat ng tatlumpung bersyon ng unang linya mula sa isa pang kanta ng Erasherheads na Minsan: Minsan sa may Kalayaan tayo’y nagkatagpuan.


*Maaaring i-download ang PDF copy ng akdang ito rito. Mas malinaw at mas madaling basahin sa ganitong format :)

   

    





Latest Post
Monday, February 6, 2012

Naku, Nakuu, Nakuuu!


Naku, Nakuu, Nakuuu!


Naku, Nakuu, Nakuuu!

Noong bata ako, mahilig akong magbasa ng mga libro. Kinagiliwan ko ang mga fairytales dahil siguro sa  makukulay na larawan sa mga libro at nakaaaliw na mga tauhan sa kuwento. Nang basahin ang Naku, Nakuu, Nakuuu! ni Nanoy Rafael sa klase, naalala ko ang aking pagkabata. Natataon naman ang librong ito dahil nagdadalang-tao ang aking tita. May panganay siyang anak na nagngangalang Mark Vincent, aking pinsan. Kay Mark ko ibinigay ang librong ito dahil sa aking palagay, makatutulong ito upang mahanda siya sa pagbabagong kanyang mararansan. Halos sampung taon ang pagitan ng magkapatid, hindi ko nga inakalang magkakaroon ako ng bagong pinsan. Mabuting bata si Mark pero medyo spoiled, kaya nag-alala ako kung kakayanin niyang maging kuya. Tulad ni Isko at tulad ng sinumang bata, may mga tanong na gustong masagot si Mark. “Saan nanggagaling ang mga sanggol? Lalaki o babae ba ang magiging anak?” Pero ‘di tulad ni Isko, walang pag-aalinlangan o pagkabalisang naramdaman si Mark. Tuwang-tuwa siya at sa katunayan, nagtalo pa kami sa pagpangalan sa sanggol. Gusto kasi ni Mark na Andrew, Miguel o Ben ang gamitin. Ngunit gusto namin ang pangalang Matthew. Nagkatampuhan. Nagkaroon ng mahabang usapan. Pero sa huli, nagkasundo rin naman. Nakikita ko na ngayon na magiging responsable at mapag-alagang kuya.

Noong Enero 16, 2012, dumating ang kapatid ni Mark na si Vince Matthew.

 Maganda ang paggamit ng kulay ni Sergio Bumatay III sa libro. Sa simula, kulay-abo ang ginamit at damang-dama mo ang pagkalito at pag-aalala ni Isko. Habang siya’y paunti-unting nalilinawan, unti-unti ring lumiliwanag ang mga kulay sa libro. Matingkad at makulay na ang mga larawan na nagsisilbing repleksyon ng kasiyahang kanyang nadarama. Hindi ko agad napansin ang maskarang suot ni Isko sa simula ng kuwento. Isang magandang simbolo pala ito para sa pagkamulat niya. Sa huli, nang natanggap na niya ang paparating na kapatid, nawala ang maskarang nagtatakip sa kanyang mga mata. Nabuksan ang puso’t isipan ni Isko at sana’y ganoon din ang mangyari kay Mark :)

+

Powered by Blogger.

Blog Archive